PAGSISISI
O Diyos ko ikinalulumbay ko nang buong puso ang tanang kasalanan ko, hindi lamang sapagkat dahil sa kanila’y nawalan ako ng karapatan sa biyaya Mo at naging dapat ako sa Iyong matuwid na parusa dito at sa kabilang buhay, kundi lalung-lalo na dahil nilapastangan kita, Ikaw Diyos na kataas-taasan, kabanal-banalan at lubhang kaibig-ibig, na ngayon ay iniibig ko higit sa lahat ng bagay. Aking kinapopootan at ngayo’y gumagawa ako ng isang mataimtim na pagtitika na di na muling magkakasala sa Iyo, Diyos na kaibig-ibig, at lalayuan ko na ang anumang maaaring maging daan ng ipagkakasala. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN KAY PADRE PIO
Mahal naming Padre Pio, sa loob ng limampung taon binata mo ang mga sugat ng Panginoong Hesukristo. Buong puso mo itong tiniis bilang handog alang-alang sa marami. Taglay-taglay ang korona ng tinik patuloy ka pa ring nakikiramay, nangangaral at nananalangin para sa amin. Ipamagitan mo ako sa ating Ama sapagkat kayo na rin ang nagsabi, “Kung paano ang kuwintas na perlas ay pinagdurugsong ng sinulid, ganoon din ang kabutihan ay pinag-uugnay ng pag-ibig; at kung paano nagkakawasak-wasak ang kuwintas ng perlas kung ang sinulid ay napatid, ganoon din ang kabutiha’y nawawala kung nababawasan ang pag-ibig.” Amen.

PANALANGIN SA TULONG NI PADRE PIO
O Diyos, ibinigay Mo sa Iyong Santong si Padre Pio ng Pietrelcina, isang Capuchinong pari, ang malaking karangalang makibahagi nang katangi-tangi sa Pagpapakasakit ng Iyong Anak. Ipagkaloob Mo sa akin, sa pamamagitan ng panalangin ni Padre Pio ang biyayang tunay kong hinihiling ... ganoon pa man, ang tangi kong hiling ay ang mamuhay nang naaayon sa kamatayan ni Hesus at ang marating na maluwalhati ang Kanya ring Muling Pagkabuhay. Amen.
Papuri... (3×)

PANALANGIN SA KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS
1. Hesus ko, sinabi Mo: "Tunay Kong sinasabi sa inyo, humingi kayo at kayo ay bibigyan, maghanap kayo at kayo ay makatatagpo, kumatok kayo at kayo ay pagbubuksan." Narito akong kumakatok, naghahanap at humihingi ng biyayang...
Ama Namin...
Aba Ginoong Maria...
Papuri...
Mahal na Puso ni Hesus, sa Iyo ako lubos na umaasa.
2. Hesus ko, sinabi Mo: "Tunay Kong sinasabi sa inyo, anuman ang hilingin ninyo sa Ama sa aking Pangalan ay ipagkakaloob Niya sa inyo." Sa Ngalan Mo, narito akong humihiling sa Ama ng biyayang...

3. Hesus ko, sinabi Mo: "Tunay Kong sinasabi sa inyo, lilipas ang langit at lupa ngunit hindi ang salita Ko." Pinasigla ng Iyong di mababaling salita, hinihiling ko ngayon sa Iyo ang biyayang...

Mahal na Puso ni Jesus, Ikaw na di maaaring hindi magdalang-habag sa mga nalulumbay, kaawaan Mo kaming mga abang makasalanan at ipagkaloob Mo sa amin ang biyayang isinasamo namin sa Iyo, sa pamamagitan ng namimighati at malinis na Puso ni Maria, ang magiliw Mong Ina, at amin ding Ina.
Aba Po...
San Jose, ama-amahan ni Hesus, ipanalangin mo kami.

LITANYA ALANG-ALANG KAY PADRE PIO
Panginoon, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka.
Kristo, pakinggan Mo kami.
Kristo, pakapakinggan Mo kami.
Diyos Ama, aming Maykapal, maawa Ka sa amin.
Diyos Anak, aming Tagapagligtas, maawa Ka sa amin.
Diyos Espiritu Santo, aming Patnubay, maawa Ka sa amin.
Santisima Trinidad, iisang Diyos, maawa Ka sa amin.
Santa Maria, *ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Ina ng Diyos, *
Maria, Ina ng lahat ng inampong anak ni Padre Pio, *
Maria, daluyan ng lahat ng biyaya, *
San Francisco ng Asisi, serapikong ama ni Padre Pio, *
San Pio ng Pietrelcina, *
San Pio, tapat na lingkod ng Diyos Ama, *
San Pio, kasangkapan ng Espiritu Santo, *
San Pio, biktima ng Makalangit na Pag-ibig, *
San Pio, matapat na anak ni Maria, *
San Pio, masigasig na tagapagpalaganap ng Santo Rosaryo, *
San Pio, masunuring lingkod ng Simbahan, *
San Pio, kaibigan ng mga anghel, *
San Pio, banal na pari ng Diyos, *
San Pio, pari ni Hesukristo, *
San Pio, paring nagbata ng mga sugat ni Kristo, *
San Pio, paring maibiging yumakap sa krus, *
San Pio, paring maibigin sa banal na Eukaristiya, *
San Pio, paring martir ng kumpisalan, *
San Pio, paring daluyan ng habag ng Diyos, *
San Pio, kumpesor ng mga nagbabalik-loob, *
San Pio, gabay ng mga naliligaw, *
San Pio, tagapayo ng mga naguguluhan, *
San Pio, mapagpagaling sa maysakit, *
San Pio, imahen ng pag-ibig ng Diyos, *
San Pio, tagapagtanggol ng katotohanan, *
San Pio, tagapagtaguyod ng bokasyon, *
San Pio, biktima ng makalangit na pag-ibig, *
San Pio, karamay ng mga mahihirap, *
San Pio, mapagpalaya sa mga nagdurusang kaluluwa sa purgatoryo, *
San Pio, kaluwagan ng mga nasa kagipitan, *
San Pio, patron ng mga pamilya ng mga OFW, *
Frater Alessio, tapat na lingkod ni Padre Pio, *
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, patawarin Mo kami Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sandaigdigan, pakapakinggan Mo kami.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng santinakpan, maawa Ka sa amin.
Ipanalangin mo kami banal na San Pio ng Pietrelcina, nang kami ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon.
Manalangin tayo,
O Diyos naming Ama, ipinagkaloob Mo sa amin si San Pio na maging tanda ng Iyong presensya at daluyan ng Iyong biyaya sa aming kapanahuhan. Nawa kaming mga inampon niyang mga anak ay matularan ang mga halimbawa ni Padre Pio at maging matapat na saksi sa misteryo Paskwal ni Hesukristo na aming Panginoon. Sa pamamagitan ng kanyang mga panalangin sa aming kabutihan, itulot Mo na kami rin ay maging kaaliwan ng mga nahihirapan, maging gabay ng mga naliligaw at matapat na lingkod ng Iyong Simbahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.

PANALANGIN PARA SA KAGALINGAN
Panginoong Hesus sinabi Mo, hindi Ka naparito para sa mga walng karamdaman, bagkus naparito Ka upang damayan kaming may karamdaman, kaming pinahihirapan ng aming kahinaan, kaming ang katawan, puso’t kaluluwa ay sugatan.
O Hesus, batid naming walang karamdamang hindi Mo napagagaling lalo na’t ito’y Iyong loloobin. Batid din naming gayon na lamang ang pag-ibig Mo sa amin, kung kaya kahit ang Iyong buhay ay Iyong inialay alang-alang sa katubusan namin mula sa anumang sa ami’y umaalipin.
O Hesus, ako’y naninikluhod sa Iyong harapan, hiling ko’y aking kagalingan. Hilumin Mo ang aking sugatang kaluluwa, diwa’t katawan.
Hesus ko, Hesus ko, matagal na akong nagdurusa, mahabag Ka sa akin. Sa isang salita Mo lamang ako’y gagaling na.
(tahimik na ipanalangin ang pansariling kahilingan para sa ikagagaling ng anumang karamdaman)

PANALANGING PANGWAKAS
Mahal naming Ama, masagana Mong pinagpala ang Iyong lingkod na si Padre Pio ng Pietrelcina ng mga biyaya ng Espiritu Santo. Pinagbata Mo ang kanyang katawan ng limang sugat ng Panginoong Hesus na napako sa krus bilang makapangyarihang saksi ng Kaligtasang dulot ng pagpapakasakit at kamatayan ng Iyong Anak. Puspos ng biyaya ng karunungan, si Padre Pio ay walang humpay na nagpakumpisal para sa ikaliligtas ng mga kaluluwa. Puspos ng pamimitagan, pananalig at pag-ibig sa Banal na Misa, inanyayahan niya ang marami na lumapit kay Hesus sa banal na sakramento ng Eukaristiya.
Sa pamamagitan ng panalangin ni Padre Pio, Ama, ako ay umaasang ipagkakaloob Mo sa akin ang biyayang ito: (banggitin ang intensyon o kahilingan). Amen.