(Halaw sa Panalangin ni Padre Pio pagkatapos magkomunyon.)
Dahil
kinakailangan Kita dito sa aking tabi, samahan
Mo ako, Panginoon.
Nang
sa gayo’y di Kita malimutan, samahan Mo
ako, Panginoon.
Alam
Mo kung gaano kadali sa aking Ika’y talikuran, samahan Mo ako, Panginoon.
Dahil
ako’y mahina at kailangan ko ang Iyong lakas, samahan Mo ako, Panginoon.
Nang
sa gayo’y hindi ako malimit madapa, samahan
Mo ako, Panginoon.
Dahil
Ikaw ang aking buhay, samahan Mo ako,
Panginoon.
Sigla
ko’y mawawala kung malayo Ka sa akin, samahan
Mo ako, Panginoon.
Sapagkat
Ikaw ang aking kaliwanagan, samahan Mo
ako, Panginoon.
Nang
sa gayo’y hindi ako mabalot ng kadiliman, samahan
Mo ako, Panginoon.
Para
mawatas ko ang Iyong kalooban, samahan Mo
ako, Panginoon.
Nang
marinig ko ang Iyong tinig at ako’y makasunod sa Iyo, samahan Mo ako, Panginoon.
Dahil
hangad kong ibigin Ka nang lubos at sa tuwina’y laging kasama, samahan Mo ako, Panginoon.
Kung
ibig Mong maging tapat ako sa Iyo, samahan
Mo ako, Panginoon.
Sapagkat
aba man ang aking kaluluwa, ibig ko pa rin itong kalugdan Mo at maging pugad ng
Iyong pag-ibig, samahan Mo ako, Panginoon.
Sapagkat
magtatakipsilim na at ang araw ay magwawakas na, samahan Mo ako, Panginoon.
Sapagkat
maging ang buhay ay lumilipas, samahan Mo
ako, Panginoon.
Sandali
na lamang ang kamatayan at paghuhukom; at heto na ang magpakailanman, samahan Mo ako, Panginoon.
Kailangan
kong panauliin ang aking lakas, nang ako’y hindi maantala sa paglalakbay, samahan Mo ako, Panginoon.
Dahil
kailangan Kita. Sapagkat heto na at palapit na ang kamatayan, samahan Mo ako, Panginoon.
Dahil
natatakot ako sa kadiliman, samahan Mo
ako, Panginoon.
Dahil
natatakot ako sa panunukso, samahan Mo
ako, Panginoon.
Dahil
natatakot ako sa kahungkagan, samahan Mo
ako, Panginoon.
Dahil
natatakot ako sa Krus at sa hapis, samahan
Mo ako, Panginoon.
Aking
Hesus, sa gabing ito ng aking buhay, samahan
Mo ako, Panginoon.
Ngayong
gabi ay mapanganib. Kailangan Kita, O Hesus, samahan Mo ako, Panginoon.
Tulungan
Mo akong makilala Ka tulad ng Iyong mga alagad noong paghati-hatiin mo ang
tinapay, samahan Mo ako, Panginoon.
Nang
sa gayon ang pakikinabang ko sa Iyo ang magbigay ng liwanag na papawi ng
kadiliman, samahan Mo ako, Panginoon.
Hesus,
Ikaw ang lakas na magbibigay sa akin ng sigla’t ligaya sa aking puso, samahan Mo ako, Panginoon.
Sapagkat
sa sandali ng aking kamatayan ibig kong manatiling kaisa Mo kung di man sa
Banal na Komunyon ay sa Iyong biyaya at pag-ibig, samahan Mo ako, Panginoon.
Dahil
hindi ko hangad ang makalangit na kaaliwan, samahan
Mo ako, Panginoon.
Dahil
batid kong ako’y di nararapat, samahan Mo
ako, Panginoon.
Dahil
ang Iyong presensya ay sapat na, samahan
Mo ako, Panginoon.
Oo,
tunay na ito lamang ang aking hiling sa Iyo, samahan Mo ako, Panginoon.
Sapagkat
Ikaw lamang ang aking hanap, ang Iyong pag-ibig, biyaya, kalooban, puso at diwa,
samahan Mo ako, Panginoon.
Dahil
Ikaw ay aking iniibig at wala na akong gantimpalang hangad bagkus ang ibigin Ka
nang higit, samahan Mo ako, Panginoon.
Sa pamamagitan ng matimyas
na pag ibig Ika’y aking iibigin nang buong puso habang nabubuhay rito sa lupa at
patuloy pa ring iibigin nang ganap magpasawalang-hanggan. Amen.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento